METRO MANILA – Taon- taon pinaghahandaan ng Department of Health (DOH) ang posibleng pagtama ng dengue outbreak sa bansa tuwing tag-ulan.
At ngayong abala ang kagawaran ng kalusugan sa pagsugpo sa covid-19 pandemic, malaking hamon sa kanila kung magkakaroon pa ng dengue outbreak sa bansa.
“The confluence of the rainy season and the expected rise in dengue cases will certainly pose a burden to the health system’s capacity.” ani DOH Sec. Francisco Duque III.
Pinawi naman ng DOH ang pangamba ng ilan dahil sa lumalabas na mga ulat na maaring mag “interact” o magsanib ang dengue virus at COVID-19 na lalong magpapalala sa sitwasyon ng isang pasyente
“Wala po kaming scientific data to support that hypothesis but of course alam natin na kapag mayroon kang dengue ay isa sa mga komplikasyon ng dengue ay ang baga din ang tinatamaan kung mayroong covid threat, talagang magiging critical o malubhang-malubha ang kakalabasan ng kaniyang clinical course at kailangan po talagang tutukan ito.” ani DOH Sec. Francisco Duque III.
Kaya ang payo ng DOH, dagdagan pa ang pag iingat na makaiwas sa dengue virus
Ito’y dahil mas posible na tamaan ng covid-19 ang isang taong may iniiidang sakit.
Ngayong tag- ulan, makabubuti anila kung magsuot ng long sleeves at pantalon upang maiwasan na makagat ng lamok.
Maglagay ng insect repellant na aprubado ng FDA o mosquito patch sa mga bata
Panatilihin malinis ang kapiligiran.
Takpan ang mga drum o timba na may mga tubig .
Ang mga stagnant water ay limasin
Laging uminom ng sapat na tubig at palakasin ang resistensya ng katawan laban sa mga sakit
Isara ang mga binata at door screens upang hindi makapasok ang mga lamok at mamalagi sa loob ng bahay
Tiniyak din ng DOH na bagaman may mga COVID-19 cases sa mga ospital may hiwalay na pathway o entrance para sa ibang mga sakit gaya ng dengue, maternal care at emergency cases.
Paalala ng DOH,pag iingat ang paraan upang hindi na humantong pa sa gamutan sa anomang sakit .
Lalo na sa ngayong may COVID-19 pandemic.
(Aiko Miguel | UNTV News)