Pagsasampa ng kasong plunder vs Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, posibleng irekomenda ng House Committee on Good Government

by Radyo La Verdad | October 10, 2017 (Tuesday) | 5264

Desidido ang House Committee on Good Government and Public Accountability na irekomenda ang pagsasampa ng kasong plunder kay Ilocos Norte Governor Imee Marcos, ito ay dahil sa paggamit umano ng tobacco excise tax fund ng kanilang probinsya na pambili ng over priced na sasakyan, fertilizer at mga gamot na hindi dumaan sa public bidding.

Maging ang kuwestiyonableng pagpaptayo ng mga museo at estatua sa Paoay, Ilocos Norte.

Samantala, pinapa-contempt na ng kumite ang negosyanteng si Mark Chua. Si Chua na umano’y kasintahan ni Marcos ang umano’y nag-middle man sa pagbili ng mga overpriced na sasakyan. Kasama rin sa pinapa-contempt ay ilang pang mga personalidad na nasasangkot sa mga transaksyon sa Ilocos Norte.

Nanindigan naman si Gov. Imee Marcos na dumaan sa proseso ang lahat ng kanilang proyekto.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,