Pagsasampa ng kasong kriminal laban sa 90 suspek sa Mamasapano incident, ipinagpaliban muna

by dennis | April 24, 2015 (Friday) | 1501
File photo
File photo

Ipinagpaliban muna ng Department of Justice ang pagsasampa ng kasong criminal laban sa 90 suspek na sangkot sa Mamasapano incident dahil sisilipin pa ng kagawaran kung may nagawa rin paglabag ang mga ito sa ilalim ng International Humanitarian Law.

Ayon kay De Lima, ipinagutos na niya na muling rebyuhin ang naunang ginawang report ng special joint investigation team ng DOJ at NBI para tignan kung maaari din sampahan ang mga suspek sa paglabag sa Republic Act 9851 o ang Act on Crimes against Inernational Humanitarian Law, Genocide and other Crimes Against Humanity.

Sa naunang report ng joint investigation team, hindi umano maaaring irekomenda ang pagsasampa ng kaso sa ilalim ng nabanggit na batas dahil sa umiiral na ceasefire agreement sa pagitan ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front.

Pero hindi sumang-ayon si De Lima at sa halip ay titignan niya ang pagsasampa ng kaso bukod sa paglabag sa Revised Penal Code pati na rin sa RA 9851.

Tags: , , , , ,