Pagsasampa ng kaso vs Purisima at Napeñas kaugnay ng Mamasapano incident, pinagtibay ng Ombudsman

by Radyo La Verdad | June 17, 2016 (Friday) | 4434

napenas-purisima
Ipinag-utos na ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang pagsasampa sa Sandiganbayan ng kasong graft at usurpation of authority laban kay dating Philippine National Police Chief Alan Purisima at dating Special Action Force Director Getulio Napenas.

Kaugnay ito sa nangyaring Mamasapano operation Enero noong nakaraang taon kung saan apat na put apat na sundalo ng Special Action Force ang namatay sa engkwentro sa MILF.

Maliban sa criminal cases, nahaharap din sina Purisima sa administrative liability ng grave misconduct, gross neglect of duty at conduct prejudicial to the best interest of service.

Ikinalungkot ni Napeñas, ang naging desisyon ng Ombudsman.

Samanatala, hindi naman nagbibigay pa ng pahayag si Purisima hinggil sa isyu.

(UNTV RADIO)

Tags: , ,