Pagsasampa ng kaso sa mga pumatay sa SAF troopers sa Mamasapano, tuloy parin ayon kay De Lima

by dennis | May 25, 2015 (Monday) | 1128

DELIMA MAMASAPANO

Siniguro ni Secretary of Justice Leila De Lima na tuloy parin ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa 90 indibidwal na tinukoy na mula sa grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) at iba pang private armed groups (PAG’s) na pumatay sa 35 miyembro ng 55th Special Action Company ng Special Action Force sa Brgy. Tukanalipao sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Ayon sa kalihim, binigyan lamang niya ng dalawang buwan ang special team na nag-iimbestiga sa kaso para tukuyin kung sasampahan ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9851 o International Humanitarian Law bukod pa sa Revised Penal Code.

Dagdag pa ni De Lima, malalaman din sa naturang imbestigasyon kung maaari pang madagdagan ang bilang ng mga kakasuhan bukod pa sa naunang 90 na mga suspek.(Jerolf Acaba/UNTV Radio)