MANILA, Philippines – Muling isinusulong sa mababang kapulungan ng Kongreso na gawing legal ang paggamit ng Medical Marijuana o Cannabis.
Kahapon (August 5) ay pinulong ni Isabela Representative Tonypet Albano ang grupo ng mga magulang na nagsusulong na isabatas ang paggamit ng Medical Cannabis.
Ayon sa kongresista naglagay siya ng mga probisyon para hindi maabuso ang paggamit nito.
Gaya ng pagbibigay ng card sa mga pasyente upang makontrol kung sino ang pwedeng bumili sa mga itatayong centers sa buong bansa.
“The quantity of dispensation has to be recorded in the PDEA, DOH and the committee involved. So that mawala ang pangamba ng mga tao that will be abused.” ani Isabela Representative Tonypet Albano.
Samantala legal sa 22 bansa sa mundo ang paggamit ng Medical Marijuana, pero una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya papayagang maging legal ang Medical Marijuana sa kanyang termino.
(Grace Casin | Untv News)
Tags: Kamara, medical marijuana