Pagsasagawa ng pangalawang presidential debate naantala ng mahigit isang oras

by Radyo La Verdad | March 21, 2016 (Monday) | 2788

DEBATE
Mahigit isang oras nadelay ang ikalawang PiliPinas debates 2016 sa University of the Philippines o UP Cebu.

Ito’y dahil sa umano’y kagustuhan ni Vice President Jejomar Binay na magdala ng mga ‘kodigo’ o mga dokumento sa stage, dahil mahalaga raw ito sa kanyang pakikipagdebate.

Kinumpirma naman ni Luchi Cruz Valdez, TV5 anchor at ang moderator ng PiliPinas debates, pinayagan niya na magdala ng notes o kodigo si Binay.

Gayunman, binawi ito at ipinaliwanag ni Valdez na uninformed daw siya o hindi niya alam ang Comelec rules hinggil sa pagdadala ng notes.

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen ang pagkakaantala ng debate.

(UNTV NEWS)

Tags: ,