METRO MANILA – Inanunsyo ng Commission on Higher Education (CHED) nitong Biyernes (August 27) na pinapayagan na ang pagsasawagawa ng limited face-to-face classes sa ilang kolehiyo at Unibersidad sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa pahayag ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero De Vera III, 118 Higher Education Institutions(HEIs) na may kursong medical and allied health sciences ang maaari ng magsagawa ng limited face-to-face classes.
Matatandaang noong July 2020 nang iprinisenta ni De Vera sa Inter-Agency Task Force (IATF) na kinakailangang payagan ang HEIs na nag-aalok ng medicine at allied health science na magkaroon ng limited face-to-face classes.
Nitong Enero 2021, inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duturte ang proposal.
Ipinaliwanag naman ni De Vera na kailangan munang mag-apply ang HEIs bago sila payagang magsagawa ng face-to-face classes.
Binigyan diin niya na ang offering ng limited face-to-face, ay nakadepende sa “readiness” ng HEIs.
Sa kasalukuyan ay mayroong 13,000 mga estudyante sa buong Pilipinas ang kumukuha ng health-related degree programs tulad ng Medicine, Nursing, Medical Technology/Medical Laboratory Science, Physical Therapy, Midwifery, at Public Health ay pinapayagang mag-attend ng limited face-to-face class.
(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)