Pagsasagawa ng campaign rally sa public plaza ng Zamboanga City, ipagbabawal na dahil sa banta sa seguridad

by Radyo La Verdad | March 15, 2016 (Tuesday) | 1668

DANTE_BAWAL
Nagpasa ng resolusyon ang Zamboanga City Government kaugnay ng pagbabawal sa pagdaraos ng kampanya sa ilang pampublikong lugar sa lungsod.

Partikular na rito ang Plaza Pershing na madalas gawing venue ng iba’t-ibang aktibidad tulad ng rally at iba pang pagtitipon.

Ang nasabing hakbang ay alinsunod na rin sa rekomendasyon ng Philippine National Police dahil sa isyu ng seguridad.

Ayon sa PNP, hindi na ligtas pagdausan ng pagtitipon ang lugar dahil sa mga naitalang pagsabog noong mga nakaraang taon.

Sa ngayon, maaaring pagdausan ng campaign rally ang RT Lim Boulevard na mas malayo sa sentro.

Nakikiusap naman ang lokal na pamahalaan sa mga kandidatong magsasagawa ng rally na makipag-ugnayan sa otoridad para sa kaukulang seguridad.

Tags: , , ,