Umaasa pa rin ang Malakanyang na hindi maaantala ang pagpapasa ng panukalang Bangsamoro Basic Law.
Ito ay sa kabila ng naiulat na hindi pagdalo ng mga Anti-BBL Legislator na paraan umano upang i-delay ang pag-usad ng kontrobersyal na panukalang batas.
Ayon kay House Majority Leader Rep. Neptali Gonzales Jr, posible ngang paraan ng ilang konresista ang hindi pagdalo sa pagdinig sa bbl upang hindi ito makapasa.
Kaugnay nito, aminado ang Malakanyang na posibleng magamit ng mga pulitiko ang pagpapasa ng draft BBL para sa paparating na 2016 national elections.
Sa kabila naman ng mga usapin sa draft BBL, naniniwala pa rin ang Malakanyang na makakapasa ito sa ilalim ng Administrasyong Aquino. (Nel Maribojoc/ UNTV News)