Inumpisahan na ngayong araw ng Maynilad ang pagsasaayos ng ilan sa kanilang mga tubo upang bigyang daan ang proyekto ng Department of Public Works and Highways.
Dahil dito, makararanas ng water interruption ang mga customer ng Maynilad sa malaking bahagi ng Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite simula ngayong araw.
Ang pipeline re-alignment ay isinasagawa dahil ilan sa mga tubo ng Maynilad ay nakaharang sa gagawing flood interceptor project ng DPWH.
Nagsimula ang water interruption kaninang 1:00PM at tatagal hanggang 10:00PM sa huwebes, August 13.
Muling mawawalan ng tubig pagsapit ng August 17, simula 1:00 PM hanggang 3:00 PM sa August 18
Samantala tiniyak naman ng Maynilad na magkakaroon ng window hours ang water interruption sa August 14 hanggang August 16, upang muling makapag-ipon ng tubig ang mga residente.
Kabilang sa mga lugar na mawawalan ng tubig ang ilang barangay sa Caloocan, Maynila, Pasay,Paranaque, Makati, Muntinlupa at Las Piñas.
Kasama rin dito ang Cavite city, Imus City at mga bayan ng Kawit, Rosario, at Noveleta sa Cavite. (Joan Nano / UNTV News)
Tags: Maynilad