Tuloy-tuloy pa rin ang isinasagawang rehabilitasyon sa isla ng Boracay matapos itong ipasara ni Pangulong Duterte dahil nagmistulan na umanong cesspool dahil sa mga duming itinatapon sa karagatan.
Ngayong buwan, target masimulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kontruksyon ng halos 5 kilometrong main road ng isla mula sa Cagban Port papuntang Station 1.
Apat na private contractors ang kukunin ng kagawaran para dito. Sakaling matapos ang proyekto, mabibigyan nito ng solusyon ang matinding trapiko na naranasan sa pangunahing kalsada sa isla lalo na kapag peak season o panahong maraming turista.
Samantala, lumabas naman sa pinakabagong ulat ng Social Weather Stations (SWS) na animnapu’t apat na porsyento ng mga Pilipino ang pabor sa ginawang pagsasara ng Boracay upang i-rehabilitate ito. 60% rin ang naniniwala na makakatulong ang closure upang maisaayos ang isla.
Samantala, animnapu’t isang porsyento rin ng mga Pilipino ang naniniwala na makakatulong ang pagpapasara sa Boracay Island upang lalo pang madagdagan ang bilang ng mga turistang dadayo sa isla sa hinaharap.
Ang naturang survey ay isinagawa noong march 23 hanggang 27 nitong taon sa 1,200 respondents sa buong bansa.
( Vincent Arboleda / UNTV Correspondent )