Pagsasaayos ng drainage system sa lungsod ng Bacoor, puspusan na

by Radyo La Verdad | August 23, 2018 (Thursday) | 3511

Matapos manalasa ang habagat sa lalawigan ng Cavite, kung saan nasa walumpung porsyento ng Bacoor City ang naapektuhan dahil isa sa mga low lying areas sa lalawigan, pangunahing suliranin ng lungsod tuwing tag-ulan ay ang pagbaha.

Ayon kay Cavite Second District Congressman Strike Revilla, tila magiging malaking tulong sa paghupa ng baha ang pagsasaayos sa ilog.

Ayon din sa kongresista, malaking tulong din ang gagawing imbakan ng tubig sa Imus City, ngunit kinakailangan muna itong pagplanuhang maigi.

Kahapon ay namigay na ng relief goods ang lokal na pamahalaan.

Sa ngayon ay puspusan na ang pagsasaayos ng mga drainage system sa lungsod kung saan inaasahan ang magiging maayos na daloy ng tubig baha.

 

( Benedict Samson / UNTV Correspondent )

Tags: , ,