Pagresponde sa krimen ng PNP, mapapabilis dahil sa mga karagdagang police outpost sa mga gasolinahan

by Radyo La Verdad | July 15, 2016 (Friday) | 1276

PNP
Opisyal nang binuksan ang mga police outpost sa ilang Petron station sa bansa.

Bahagi ito ng proyektong Lakbay Ligtas ng Philippine National Police at Petron Corporation.

Ngayong taon, target ng proyekto na makapaglagay ng 300 Police Lakbay outposts sa buong bansa.

Ang 210 dito ay ilalagay sa iba’t ibang lugar sa Luzon at ang 90 sa Visayas at Mindanao.

Bilang panimula, naglagay muna ng 20 outposts sa Bulacan at ilang probinsiya sa Luzon.

Layun ng programang ito ng PNP at Petron na mabantayan ang mga komonidad sa iba’t ibang lugar sa bansa.

24 oras na magbabantay ang mga police personnel upang masiguro ang seguridad sa mga lugar lalo na sa gabi.

Bukod sa mga nakukuha ng installed cctvs na mga krimen sa ilang gasoline stations, may mga pulis nang tatao upang magbantay sa mga madidilim na lugar kung saan kadalasang nangyayari ang mga krimen gaya ng hold up, carnap at pagnanakaw.

Dalawang pulis naman ang itatalaga sa bawa’t outpost upang magbantay katulong din ang mga security guards sa mga gasoline station

Ayon pa kay PSSupt.Gilbert Cruz makakatulong ito para sa kampanya ng Duterte administration laban sa krimen at iligal na droga.

Bukas ito sa lahat ng publiko at handang magbigay ng serbisyo sa mga mamamayan hindi lang sa mga customer ng gasoline station kundi maging ang mga kalapit na business establishments sa bawa’t Lakbay Ligtas police outpost.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: , ,