Pagresolba sa problema sa tubig, hindi na kailangan ng pakikipagpulong sa Pangulo – MWSS

by Erika Endraca | June 25, 2019 (Tuesday) | 3371

MANILA, Philippines – Pinatawag ni Pangulontg Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng  Metropolitan Waterworks And Sewerage System (MWSS) at ng mga concessionaire nito noong Abril matapos pumutok ang problema sa kakulangan ng tubig sa lugar na sakop ng Manila water.

Makalipas ang ilang linggo ay nabawasan ang mga nakaranas ng water interruptions. Subalit ngayong buwan ay mas lumawak pa ang mga apektadong lugar, hindi lang sa mga nasasakupan ng manila water kundi pati ng maynilad. Ayon kay mwss administrator reynaldo velasco, hindi naman kailangan ng panibagong pulong sa pangulo para lamang malutas ito.

“Kahit anung gawin natin kahit na saan tayu mag meet kahit saan ang kritikal dito yung tubig. Dadagdag ba yung tubig sa angat? Kahit na sinong superman dito kung hindi talaga uulan walang kakayanin yan. Walang magaling dito kung hindi makikipagtulungan, magcooperate ang weather.” ani MWSS Administrator Reynaldo Velasco

Sabi pa ng opisyal, hindi rin kailangan ngayon na bigyan ng emergency power ang pangulo pero maaari itong magamit sa pagpapabilis sa pagtatayo ng mga proyekto ng pamahalaan gaya ng dam.

“Kasi kahit bigyan natin ng emergency power… Kung manghihingi tayo ng emergency power, saan tayo kukuha ng tubig? In case we need some emergency power is for the future” ani MWSS Administrator Reynaldo Velasco

Ilan sa mga itinatayong dam ngayon ay ang wawa at kaliwa dam. Ang proseso aniya sa bidding ang isa sa mga nagiging problema kung bakit tumatagal ang konstruksyon ng mga ito.

Nakiusap naman ang mwss sa concessionaire na tuparin ang inilalabas na schedule ng water service interruption at sa mga consumer naman ay magimbak lamang ng sapat para sa kanilang pangangailangan.

“Kasi pag nagipon sila ng sobra doon baka naman maapektuhan ang reservoir ng ating mga concessionaire.” ani MWSS Administrator Reynaldo Velasco

(Jon Nano | Untv News)

Tags: , , ,