Pagresolba sa problema sa jail congestion, nais paaksyunan sa Senate Justice Committee

by Radyo La Verdad | January 12, 2017 (Thursday) | 913

de-lima
Sumulat si Sen. Leila de Lima kay Justice Committee Chair Sen. Richard Gordon para aksyunan agad ng kanyang komite ang inihain niyang resolusyon noong Agosto patungkol sa problema ng jail congestion sa bansa.

Ayon kay de Lima, sagot ito sa mga litrato na nai-publish ni James Nachtwey sa time.com kung saan kitang-kita aniya ang siksikan sa mga kulungan sa bansa.

Binanggit rin ni de Lima na base sa World Prison Bief ng International Center for Prison Studies sa London nito lamang nakarang taon, nasa ika-12 ang bansa sa may pinakamaraming preso sa bilang na 142,168.

Nakapagtala rin aniya ang Bureau of Jail Management and Penology o BJMP ng 398% congestion rate sa mahigit apat na raan na kulungan sa bansa.

Hinihikayat ng senadora ang pamahalaan na solusyunan ang problemang ito upang mapaayos naman ang living conditions ng mga preso sa bansa.

Tags: ,