Nais ni Senate Majority Leader Sen. Tito Sotto na reparushin ang RA 6713 o mas kilala bilang SALN law na iniikutan lamang aniya ng ibang mga opisyal ng gobyerno. Gaya halimbawa ng mga opisyal na halatang mayayaman at maraming ari-arian ngunit iba ang nakalagay sa statement of assets liabilities and net worth.
Sa kaso ni Comelec Chairman Andres Bautista, nasa isang bilyong piso umano ang tagong yaman nito ayon sa kanyang asawang si Patricia. May mga deposito rin umano ito sa bangko na aabot sa 329-million pesos ang kabuuang balanse. Ngunit 176-million pesos lamang ang net worth na idineklara nito sa kanyang SALN.
Ayon kay Sotto, nangyari na ito sa panahon ng impeachment ni dating Chief Justice Renato Corona. Kaya’t mahalaga aniya na mapag-aralan kung paano mas mabibigyan ng pangil ang SALN law.
(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)
Tags: Bautista, SALN law, Sen. Tito Sotto