Pagre-regulate sa mga window tint ng mga pribadong sasakyan, pinag-aaralan ng MMDA

by Radyo La Verdad | March 22, 2017 (Wednesday) | 2936


Pinag-aaralan na ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagre-regulate sa mga tinted na bintana ng mga pribadong sasakyan.

Ito ay upang maalis ang mga colorum vehicles at mahikayat ang mga motorista sa ride-sharing.

Posibleng ipatupad ang bagong regulasyon sa Hunyo sa oras na maaprubahan ng MMDA, Land Transportation Office at PNP- Highway Patrol Group.

Tiniyak naman ni MMDA Officer-in-Charge at General Manager Tim Orbos na walang magiging ban sa paggamit ng mga tinted na bintana kundi magkakaroon lamang ng rekomendasyon sa optimum tint grade.

Tags: , ,