Pagra-rasyon ng tubig sa Zamboanga City, posibleng itigil na ng water district

by Radyo La Verdad | June 27, 2016 (Monday) | 1916

DANTE_WATER-DISTRICT
Anumang oras ngayong araw ay inaasahang ititigil na ng Zamboanga City Water District ang pagsasagawa ng water rationing sa siyudad.

Ayon kay Engr. Efren Reyes, ang production manager ng ZCWD, sapat na ang supply ng tubig na pumapasok sa diversion dam dahil sa mga pag-ulan nitong mga nakaraang araw.

Mula sa 74.02 meters na water level noong kasagsagan ng el niño phenomenon, nasa 74.24 meters na ito ngayon na mas mataas kumpara sa 74.20 meters na normal water level.

Apat na buwan ring nagra-rasyon ng tubig ang water district sa lungsod matapos bumaba ang supply bunsod ng el niño.

Samantala, babala naman ng City Health Office sa publiko na mag-ingat sa paggamit ng tubig maging ang galing sa water district dahil posibleng mahaluan o makontamina ng bacteria ang tubig lalo na ngayong tag-ulan.

Payo nila sa mga residente na mas maiging pakuluan ang tubig bago ito inumin o gamitin sa pagluluto.

(Dante Amento / UNTV Correspondent)

Tags: , ,