Pagputol sa US military at economic ties ng Pilipinas, inanunsyo ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | October 21, 2016 (Friday) | 1514
(Photo credit: REUTERS)
(Photo credit: REUTERS)

Kahapon matapos ang pagpupulong sa ng dalawang head of state ay nilagdaan ng mga ito ang bilateral agreements na may kaugnayan sa investment, trade, technology, infrastructure, financing, agricultural at maritime cooperation.

Nagkasundo na rin ang dalawang bansa na maibalik ang bilateral dialogue at negotiations kaugnay ng territorial dispute sa South China Sea.

Sa paglakas ng ugnayan ng Pilipinas at China, tila lalo namang lumabo ang Philippine-US relations.

Ito ay matapos ang ginawang pahayag ni Pangulong Duterte kagabi sa isang business forum sa China na dinaluhan din ni Chinese Vice Premier Zhang Gaoli.

Matatandaang ilang ulit nang sinabi ng pangulo ang planong pagbabago sa kanyang foreign policy at paghiwalay sa Estados Unidos kung saan matagal na umanong nakadepende ang Pilipinas.

Samantala, muli ring binanggit ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati ang balak nitong pakikipag-alyansa sa bansang Russia.

Ngayon ang huling araw ng state visit ng Pangulong Duterte sa Beijing kung saan inaasahang makikipagpulong ang pangulo sa Bank of China bago tumulak pauwi ng Davao.

(Dulce Alarcon / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,