Pagpresinta sa media ng mga suspek, ipinagbawal na ni PNP Chief Albayalde

by Radyo La Verdad | June 13, 2018 (Wednesday) | 8190

Bawal nang iparada o i-hilera ng mga pulis sa media ang mga naarestong suspek.

Ginawa ni PNP Chief Police Dir. Gen Oscar Albayalde ang direktiba alinsunod sa nauna nang kautusan ng National Police Commission noong 2008 na sumisentro sa karapatang pantao ng mga nahuhuling suspek.

Ayon kay PNP Spokesperson PSSupt. Benigno Durana, sakop ng direktiba ang lahat ng mga police station, provincial at regional offices ng PNP.

Sinabi pa ni Durana na sinomang lalabag sa kautusan ito ay mahaharap sa kasong administratibo.

Iginiit pa ni Durana na walang nag-udyok kay Albayalde na muling ipatupad ang pagbabawal sa  paghilera ng mga suspek sa media.

Wala pang pahayag tungkol dito ang Commission on Human Rights (CHR).

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,