Tutol si Liberal President Sen. Francis Pangilinan na ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa October 23, 2017.
Aniya, hindi sagot ang planong pagtatalaga na lang ng pangulo ng barangay officials upang maialis ang mga sangkot sa illegal drug operation.
Ayon pa sa senador, dapat idaan sa halalan ang pagpili sa mga opisyal ng Barangay dahil karapatan ito ng mamamayan ayon sa Saligang Batas.
Samantala, nakatuon naman ngayon ang COMELEC sa ginagawang pagpaparehistro ng mga botante.
Umaasa sila na magkakaroon na ng pinal na desisyon ang pamahalaan sa Hunyo kung itutuloy ang halalan bago sila tuluyang bumili ng gamit.
Nangangamba din ang komisyon na hindi nila kakayanin ang preparasyon kung isasabay o masyadong malapit sa National Elections ang itatakdang petsa ng barangay polls.
Muli namang nagpaalala ang COMELEC na sa pagboto, dapat tiyakin na malinis ang track record at hindi sangkot sa anomang anomalya ang pipiliing kandidato.
(Aiko Miguel)