Pagpatay sa magasawa sa Los Baños,Laguna posibleng dahil sa droga ayon sa PNP

by Radyo La Verdad | September 8, 2015 (Tuesday) | 2314

SHERWIN_PNP
Tinutugis na ng Laguna police ang mga suspect na pumatay sa magasawang Liezel at Merlito Morales sa Sitio Kanluran Barangay Bayog Los Banos, Laguna kahapon ng umaga.

Nakilala ng mga otoridad ang isa sa mga suspect na kabilang sa mga gun for hire group matapos tumugma ang description ng mga saksi sa hawak nilang criminal record.

Ayon sa Los Banos police kabilang ang mag asawang Morales sa mga nasa watch list sa San Pablo city dahil sa iligal na droga na posibleng dahilan anila ng pagpatay sa mag asawa na pinag babaril at pinasabugan pa ng dalawang granada.

Bukod dito natuklasan din ng mga otoridad na iba ang plaka ng sasakyan ng mga biktima sa nakita nilang record sa LTO at HPG.

Sa ngayon ay patuloy pa ring iniimestigahan ng mga otoridad ang kaso ng pagpatay sa mga biktima.(Sherwin Culubong/UNTV Correspondent)

Tags: , ,