Sumuko sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group Anti Transnational Crime Unit noong Biyernes ang isa sa itinuturong suspek sa pagpatay sa deputy chief of police ng Cainta na si Senior Inspector Jimmy Senosin.
Ayon sa suspek na si Hermogenes Lachica, wala siyang kinalaman sa pagpatay at isinasangkot lamang siya ng hepe ng Lakas Bisig Floodway Station na si Alyas Bulao. Subalit aminado naman itong kilala niya si Reuben Tae na pinuno ng Highway Boys na siyang responsable sa mga robbery hold up incidents sa Rizal.
Ayon kay PNP-CIDG Chief PDir. Roel Obusan na malapit na nilang maresolba ang kaso ng pagpatay kay Senosin dahil sa mga pahayag ni Lachica at nagpahayag na rin na susuko ang iba pang mga kasama ng suspek.
Matatandang noong isang linggo, napatay ng grupo ni Lachica at Tae si Senosin sa isang engkwentro. Rumesponde lamang si Senosin sa sumbong na natanggap ng Cainta PNP hinggil sa presensya ng mga armadong lalaki.
( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )