Pagpasa sa zero-hunger bill, muling ipinanawagan ng ilang grupo sa Kongreso

by Radyo La Verdad | June 6, 2018 (Wednesday) | 3616

Dinatnan namin ang mag-anak ni Aling Luz na kumakain ng tanghalian, may apat siyang anak na nag-aaral at isang utility worker ang kaniyang asawa.

Upang makatipid, bagoong at kamatis na lamang ang inuulam ni Aling Luz at ang kaniyang mga anak ang kumakain sa lutong ulam na kaniyang binili.

Ayon sa kaniya, may mga pagkakataong dalawang beses lang sa isang araw kung sila ay kumain at madalas itlog at tuyo ang kanilang hapunan.

Nanawagan ang ilang civil society groups at non-government organizations na sana ay maipasa na ang zero-hunger bill o ang Right to Adequate Food Framework Act.

Layon ng panukalang batas na resolbahin ang suliranin sa kagutuman sa bansa sa loob ng sampung taon.

Sa kasalukuyan ay nakabinbin pa ito sa Senate Committee samantalang pasado na sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa Kamara. Suportado naman ang panawagang ito ng Commission on Human Rights (CHR).

Ayon naman sa dating punong mahistrado at ngayo’y pinuno ng consultative committee para sa charter change na si Reynato Puno sa isinusulong nilang federal charter, mahalagang maibilang ang karapatan sa edukasyon, kalusugan, at pabahay sa bagong bill of rights.

Sa right to health, nakapaloob ang pag-demand sa pamahalaan

na magkaroon ng mga polisiya upang matiyak ang sapat at masustansyang pagkain para sa mga Pilipino.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,