Pagpasa sa House Committee ng death penalty vs mga dayuhang sangkot sa illegal drugs, ikinatuwa ng PNP

by Radyo La Verdad | November 26, 2015 (Thursday) | 1454

LEA_MARQUEZ
Malaking tulong sa paglaban sa ilegal na droga ng Philippine National Police kung tuluyang maipapasa ang mas mabigat na parusa laban sa mga dayuhan na mahuhulihan o mag ooperate ng ilegal na droga sa bansa.

Ito’y matapos na pumasa na sa House Committee on Illegal Drugs ang House Bill 1213 o An act adopting the higher prescribed penalty, including death, of the national law of an alien found guilty of trafficking dangerous drugs and other similar substances.

Ito ay akda ni Cagayan de Oro City Rep.Rufus Rodriguez at Abante Mindanao Party-list Rep. Maximo Rodriguez Jr.

Sa naturang panukala, parusang kamatayan ang kahaharapin ng isang dayuhan na mapatutunayang guilty sa illegal drug case.

Ayon kay PNP Chief P/Dir.Gen. Ricardo Marquez, mawawalan na nang lakas ng loob ang mga dayuhan na mag operate o gumamit ng illegal drugs sa bansa kung mayroon nang death penalty.

Sinabi pa nito na magiging magaan na rin ang trabaho ng anti drug unit dahil hindi na magiging paulit ulit ang operasyon ng mga ito laban sa isang grupo.

Dagdag pa ng heneral, mas pinalakas pa nila ang paglaban sa ilegal na droga lalo na at naaprubahan na ng NAPOLCOM na maging ganap na unit ang Anti Illegal Drugs Special Operations Task Force o AIDSOTF noong nakaraang Setyembre.

Bukod dyan inaprubahan na rin aniya nya noong Nov.10 sa bisa ng PNP General Order or DPL No. 07-05 o restructuring of unit

Sa nasabing order, ang CIDG na mag operate laban sa malalaking drug trafficking syndicate sa bansa subalit bago magsagawa ng operasyon, kailangan pa rin ng mga ito na magkaroon ng koordinasyon sa PNP Anti Illegal Drugs Group at PDEA. (Lea Ylagan/UNTV Correspondent)

Tags: , , ,