Pagpapauwi sa mga Pilipinong sakay ng Diamond cruise ship sa Japan posibleng isagawa Bukas (Feb. 25)

by Erika Endraca | February 24, 2020 (Monday) | 4762

Kahapon (Feb. 23) sana nakatakdang iuwi ng pamahalaan ang mga Pilipinong sakay ng Diamond Princess cruise ship na nakadaong sa Yokohama, Japan.

Pero dahil hindi pa lumalabas ang resulta ng pagsusuri ng mga ito, pinagpaliban muna ng Department Of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapauwi sa kanila.

Ayon kay DFA Sec Teodoro Locsin Jr. kapag nakumpleto na resulta ng isinagawang test sa mga ito maaari na silang pauwiin bukas (Feb. 25).

Ang makakauwi lamang ng bansa ay ang mga nagpositibo sa COVID-19 habang ang mga nagpositibo naman ay mananatili sa mga ospital sa Japan.

Pagdating ng mga ito sa Pilipinas dadalhin rin sila sa New Clark City upang isailalaim sa 14 na araw na quarantine.

Tiniyak naman ng Department Of Health (DOH) na lilinisin nilang mabuti ang mga pasilidad sa New Clark City bago ipagamit sa mga uuwing Pilipino mula sa Japan.

Kapagrehong precautionary measures ang ipatutupad ng mga otoridad gaya ng ipinatupad sa mga naunang repatriates na gumamit ng pasilidad.

amantala, naghigpit na ngayon ang bansang Japan sa pagpapauwi sa mga sakay ng naturang Japanese cruise ship.

Ito’y matapos makababa ng barko ang mahigit 20 pasahero nito nang hindi nasuri ng maayos at isa sa mga ito ay nagpositibo sa COVID-19 ilang araw matapos makauwi sa kanilang bahay.

Una nang humingi na ng paumanhin si Japan Health Minister Katsunobu Kato sa insidenteng ito.

Sa ngayon umabot na sa 52 na ang bilang ng mga Pilipinong sakay ng nasabing cruise ship ang nagpositibo sa COVID-19. Isa rito ay gumaling na nakalabas na ng ospital.

(Dante Amento | UNTV News)

Tags: ,