Pagpapauwi sa mga natitirang stranded OFWs sa Saudi Arabia, aasikasuhin na ng DOLE

by Radyo La Verdad | August 3, 2016 (Wednesday) | 1293

Silvestre-Bello-III
Nakatakdang bumalik si Labor Secretary Silvestre Bello The Third sa Riyadh, Saudi Arabia sa Martes upang asikasuhin ang pagpapauwi sa libu-libong Overseas Filipino Workers na stranded sa Jeddah Riyadh at al Khobar.

Ipinahayag ng kalihim na kakausapin nito ang labor minister ng Saudi Arabia upang pakiusapang i-waive na ang mga penalty para sa exit permit ng mga naturang OFW.

Tinatayang nasa siyam na libo pang OFW’s ang inatas ni Pangulong Rodrigo Duterte na tulungang agad na makauwi sa bansa matapos mawalan ng hanapbuhay sa saudi dahil sa mass layoff ng mga malalaking kumpanya bunga ng pagbaba ng halaga ng langis.

Dalawang buwan ang target ng Philippine government para matapos ang repatriation sa mga stranded OFW.

Tags: ,