Pagpapaunlad sa mass transport system sa bansa, prayoridad ng papasok na administrasyon

by Radyo La Verdad | June 14, 2016 (Tuesday) | 3056

Robert-SiyRobert-Siy
Magiging isa sa mga prority project ng papasok na administrasyon ang pagpapaunlad ng mass transport system ng bansa

Ayon kay Robert Siy, senior advisor ng Department of Transportation and Communication, malaki ang posibilidad na ipagpatuloy ang mga naunang proyekto ng dotc gaya ng point to point bus service at express connect.

Kabilang sa mga target na proyekto ay ang bus rapid transit project, modernisasyon ng mga jeep at iba pang mode of transportasyon at pagpapatayo ng mas maraming tulay at kalsadang magkokonekta sa mga lungsod at bayan.

“We need to work on public transport generally and this means not only rail but also we need to improve bus services, jeepney services, UV express and definitely are pedestrian and non-motorized transport as well.”
Pahayag ni Siy.

(Mon Jocson/UNTV NEWS)

Tags: ,