Pagpapatupad ng travel ban sa mga bansang may bagong Covid-19 variant, ikinukonsidera na ng pamahalaan

by Erika Endraca | December 27, 2020 (Sunday) | 4697

METRO MANILA – Binigyang diin ng Department Of Health (DOH) na noong December 24 pa ipinatupad ang travel ban sa mga pasaherong galing ng United Kingdom (UK).

Pinabulaanan din ng DOH ang lumabas na ulat na ipatutupad lang umano ng pamahalaan ang travel restriction kung may community transmission na.

“We’d like to emphasized na iyong restriction for UK travelers in effect na po at napagdesisyunan na ng iatf simula pa nung december 24 ito ay narekomenda at naaaprabuhan ng ating pangulo. meron din po tayong nakitang report kagabi na magi-impose lamang daw tayo ng restriction kapag nandito na sa bansa ang new variant. inuulit lang po namin na mali ito” ani DOH Usec Maria Rosario Vergeire.

Dagdag pa ng DOH, nakabantay rin ngayon ang pamahalaan at ang mga eksperto sa mga bansang may kaso na ng new variant ng Covid-19 .

Magiging batayan ang mga impormasyong magmumula sa mga ito upang magpatupad ng travel ban sa mga bansang may kaso ng bagong variant ng covid upang maityak na hindi ito makakapasok sa Pilipinas .

12 bansa ngayon ang mino- monitor ng DOH sa Western Pacific Region kabilang dito ang hong kong, China, Singapore, New Zealand, Korea, Japan, Malaysia, Solomon Islands, Vietnam, Australia, Taiwan at Cambodia.

“What we like to emphasized would be ayaw po natin papasukin itong variant na ito that is why we are doing all of these measures katulad ng ginagawa natin ngayon” ani DOH Usec Maria Rosario Vergeire.

Ayon pa kay WHO Western Pacific Region Coordinator for Essential Medicines and Health Technolgies, Dr Socorro Escalante, madaming batayan ang pagtatakda ng travel ban.

Samantala, ipinaliwanag naman ng mga eskperto na variant ang termino sa bagong natuklasan sa United Kingdom.

Aon kay Dr Edsel Salvana, iisa lang ang strain ng Covid-19 at common ang mutations sa mga virus.

Ayon pa sa DOH, ibayong pag- iingat ang kailangang gawin ngayon ng publiko lalo na’t inaaral pa ang katangian ng bagong variant at kung mas malala ba ang epekto nito kumpara sa umiiral sa Pilipinas.

“Para maiwasan ang pag- mutate ng virus kinakailangan natn na mapanatiling mababa ang kaso sa bansa, kung kaunti ang mga taong na- infect mas mababa rin ang tiyansa na mag- mutate ang virus.” ani DOH Sec Francisco Duque III.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,