METRO MANILA – Naglabas ng resolusyon ang ilang kongresista upang itulak ang Department of Transportation (DOTr) na ipatupad na ang Toll Interoperability Project na inumpisahang buuin noon pang 2017.
Sa pangunguna ni Presidential Son Ilocos Norte First District Representative Sandro Marcos, hangad nilang madaliin ang paggamit ng iisa na lang na Radio Frequency Identification (RFID).
Sa pahayag na inilabas ni Representative Ramon Jolo Revilla III, sinabi nito na nais nilang paimbestigahan kung bakit napakatagal ng pag-usad ng proyektong ito.
Paliwanag naman ng Toll Regulatory Board (LTRB), hindi makausad ang proyekto dahil hindi binabasa ng isa sa mga RFID system ang ibang sticker tag.
Ginagamit ang Autosweep RFID tag sa Skyway, SLEX, NAIAX, Star Tollway, TPEX at MCX.
Habang ang easy trip RFID tag ay ginagamit naman sa NLEX, SCTEX, CAVITEX at CALAX ay mabasa rin ng auto sweep system.
Sa ilalim ng toll operability system, maari nang magamit ang ano mang sticker saan mang expressway gamit ang isa lang na digital load wallet.
Ngunit ayon kay TRB Spokesperson Julius Corpus, nagpapatupad na ng tag replacement program para maisaayos ang mga depektibong RFID tags.
(Asher Cadapan Jr. | UNTV News)