Pagpapatupad ng price ceiling para sa presyo ng baboy at manok sa Metro Manila, umpisa na ngayong araw

by Erika Endraca | February 8, 2021 (Monday) | 979

METRO MANILA – Hind dapat lumampas sa P270 ang kada kilo ng pigue at P300 sa liempo habang P160 naman sa manok sa mga palengke at supermarket sa Metro Manila.

Ito ang nilalaman ng price freeze na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang Linggo.

Ayon sa Pork Producers Federation Incorporated, nasa P220 parin ang farmgate price o kada kilo ng buhay na baboy.

Kung isasama ang kita ng mga trader at retailer ay nasa P340 hanggagn P360 pesos kada kilo na itong mabibili ng mga consumer.

Pero ayon sa Manila Meat Dealers Association, may nakukuha na silang P185 na farmgate price kaya’t maaaring maibenta na ito ng mga vendor o retailer sa halagang pasok sa price freeze.

Ngayong araw ay magiinspeksyon ang Department of Agriculture (DA) sa mga pangunahing palengke sa Metro Manila.

Ayon sakagawaran, bibigyan ng notice of violation ang mga lalabag at pagpapaliwanagin kung bakit mataas ang kanilang presyo.

Maging ang mga trader ay isasalang din adjucication team para malaman kung sila ba o ang mga retailer ang sobrang magpatong ng tubo.

Una nang sinabi ng ilang mga tindera na hihinto na lamang sila kung sakaling hindi sila papayagan magtinda ng mas mataas sa price ceiling dahil wala din naman silang kikitain.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: