Pagpapatupad ng parliamentary form sa Bangsamoro entity, labag sa Saligang Batas – Nene Pimentel

by monaliza | March 13, 2015 (Friday) | 1923

PIMENTELBBL 031315

Sinisi ni dating Senate president Aquilino Pimentel Jr. ang government peace panel dahil sa mga probisyon sa Bangsamoro Basic Law na labag sa Saligang Batas

Partikular na tinukoy nito ang parliamentary system na ipatutupad ng Bangsamoro entity pero dahil presidential form of government ang umiiral sa bansa, sinabi ni Pimentel na tahasang paglabag ito sa 1987 Constitution

Dagdag pa nito, hindi rin sangayon sa Article 10, Section 1 at Section 18 ng Konstitusyon ang paraan ng paghahalal ng legislative at executive official sa bubuuing Bangsamoro entity

Ayon kay Pimentel, sa parliamentary form of government, ang mga miyembro ng lehislatura lamang ang maaring ihalal ng mga constituent ng Bangsamoro entity at mula sa mga legislative official na ito, ay maghahalal naman sila ng mga executive officials na malinaw na taliwas sa Konstitusyon kung saan ang taumbayan ang direktang naghahalal ng lahat ng elected public officials

Dahil dito, paniwala ng dating senador, mahahantong lang sa pagdedeklara ng Supreme Court na unconstitutional ang BBL, bagay na dapat isisi sa mga naging negosyador nito sa pamahalaan.

Dalawang solusyon ang nakikita ni Pimentel ukol sa isyu; una ay amendyahan ang Konstitusyon subalit dahil suntok sa buwan ang ganitong opsyon dapat rebisahin na lang ang Bangsamoro Basic Law. (Bryan De Paz/UNTV News Correspondent)

Tags: , , , , , ,