Pagpapatupad ng nationwide smoking ban, pinaghahandaan na ng DOH

by Radyo La Verdad | March 9, 2017 (Thursday) | 1534


Pinaghahandaan na ng Department of Health ang nalalapit na pagpapatupad ng nationwide smoking ban.

Ayon kay Health Undersecretary Gerardo Bayugo, isang task force na binubuo ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang magpapatupad sa polisiya sakaling mailabas na ang executive order ukol rito.

Inaasahan ng DOH ang pagbaba ng bilang ng mga naninigarilyo sa bansa lalo’t kasama sa EO ang paglalagay ng mga lugar sa isang establisimyento kung saan lamang maaaring manigarilyo.

Nanawagan din ang DOH sa ating mga kababayan na huwag manigarilyo lalo na sa loob ng kanilang tahanan upang hindi magkasakit ang kanilang pamilya.

(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)

Tags: ,