METRO MANILA – Nagtakda ng mga stratehiya ang mga kumpanya maging ng health sector kung paano maiiwasan ang hawaan ng COVID-19 sa mga workplace at isa na nga rito ang pagpapatupad ng lockdown.
Ito’y upang malimitahan ang paglabas ng mga empleyado at maiwasan ang exposure sa iba at hindi naman madala ito sa loob ng kani- kaniyang opisina.
Ayon sa Department Of Health (DOH) , hindi ito bawal lalo na’t isa itong paraan upang maipagpatuloy ang operasyon ng isang kompanya.
Nguni’t dapat isinasaalang- alang aniya rito ang kalusugan ng mga empleyado lalo na ang kanilang mental health .
“Katulad ng isang ospital for example may mga ibang ospital that they would rather have their employees stay with them, they have their dormitory wala munang uuwi dito muna kasi kapag umuwi kayo sa community you go back at nadadala niyo ang mga impeksyon ditto” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire .
Kailangan lang din aniyang ipabatid at maunawaan ng mga sasailalim sa lockdown kung bakit kailangan itong gawin sapagka’t hindi ito madali lalo na’t isang sakripisyo ang malayo sa pamilya lalo na ngayong may pandemya.
Ayon pa sa DOH kailangan may mga nakakausap na mga eksperto ang mga ito kung tila hindi na kaya ang sobrang lungkot habang naka- lockdown
“Kailangan lang may mga programa ang mga employers nila na talagang makakapag- maintain na maayos ang mental health ng mga employees na iyan because they are away from their families.” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.
Ayon pa sa DOH, ang tagal o haba ng panahong naka- lockdown ang mga empleyado ay nasa kasunduan na sa pagitan nila at ng kanilang employer. Depende aniya kung ito ay itakda ng ilang buwan, kalahating taon o umabot man ng 1 taon
Dapat lang din aniyang isaaalang- alang ng mga ito ang health protocols sakaling may payagang makalabas o umuwi o kaya ay ipasok na empleyado sa loob ng opisina o kumpanya mula sa isang komunidad
Ayon sa kaniya layon ng PENRO na mas palawakin pa ang pagdedeklara ng mas marami pang coral reef areas para gawing marine protected area.
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: DOH