Opisyal nang lumuklok bilang administrador ng National Irrigation Administration o NIA si Peter Tiu Laviña.
Siya na ang magpapatupad ng proyektong libreng irigasyon para sa mga magsasaka.
Ngunit ayon sa bagong administrador, malaking hamon ang pagpapatupad nito.
Pinag-aaralan pa kung dapat din bang ibigay na libre ito sa mga malalaking negosyo gaya ng banana plantation at malalaking palaisdaan.
Isa sa nakikitang problema ni Laviña kung wala nang singil sa patubig ay wala na ring parte ang mga irrigators association na siya namang tumutulong sa pagmamantine ng mga irrigasyon system.
Nangangamba aniya ang mga assosasyon na bumaba ang produksyon ng palay.
Malaki rin ang bubunuin ng NIA sa paggawa pa ng mga irigasyon dahil may natitira pang 43% ng kabuoang dapat mapatubigang lupa sa bansa.
Humingi ng P36B na pondo ang NIA para sa taong 2017 dagdag pa dito ang 2 milyon para ipampalit sa irrigation fee na dating binabayaran ng mga magsasaka.
Kulang ito sa P4B na iminumingkahi ni Agriculture Secretary Manny Piñol para sagutin ng gobyerno ang irrigation fee subalit maghahanap nalang ng ibang paraan ang NIA para kumita gaya ng mini power plant na nakatayo mismo sa mga irigasyon.
Sa ngayon mananatili muna sa Office of the President ang superbisyon ng NIA habang hinihintay ang posibleng pagkakaroon ng charter change dahil sa isinusulong na ferderalismo.
Tags: malaking hamon ayon sa bagong NIA administrator, Pagpapatupad ng libreng irigasyon