Pagpapatupad ng EO 28 na nagbabawal sa ilegal na paputok, paiigtingin ng DILG

by Erika Endraca | December 13, 2019 (Friday) | 6659

METRO MANILA – Epektibo para sa Department of the Interior and Local Government  (DILG) ang pagpapatupad ng Executive Order Number 28 na naglilimita sa paggamit ng mga paputok at pagtatakda ng mga community fireworks display sa mga komunidad.

Ayon kay DILG Usec. Jonathan Malaya, ito na lamang ang kanilang ipatutupad dahil wala pa namang batas na pangbuong bansa na nagbabawal sa anomang uri ng paputok. Ang kongreso aniya ang may kapangyarihan para sa pagpasa na gayong batas.

Fire crackers and Phyrotechniques kasi are legal. Pero may mga ipinagbabawal tayo under EO 28. Yung picolo, yung mga judas belt, yung goodby Philippines” ani DILG Usec Jonathan Malaya.

Ayon sa opisyal, bumaba naman ang mga aksidente at mga insidente ng sunog kaugnay sa paputok kumpara sa mga nagdaang administrasyon mula nang ipatupad ang kautusan.

Nagiikot aniya ang mga pulis at kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) para tiyaking walang ilegal na itinitinda.

Gaya aniya ng naunang pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte, ipinauubaya narin aniya nila sa mga lokal na pamahalaan kung magpapatupad sila ng total ban gaya ng Baguio at Davao City.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: ,