Mga Pulis pinaalalahanan sa pagpapatupad ng mahigpit na Border Control

by Erika Endraca | August 2, 2021 (Monday) | 3087

METRO MANILA – Ipinatutupad na ng Joint Task Force COVID Shield (JTF) ang Quarantine Control Points sa lahat ng boarders ng NCR plus alinsunod sa direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Papayagan lamang na makapasok at makalabas ang mga Authorized Persons Outside of Residence (APOR).

Epektibo ngayong hatinggabi (August 2) ang border control sa Cavite, Bulacan, Laguna, at Rizal alinsunod sa IATF Resolution No. 130-A.

Papauwiin ng JTF Covid Shield ang mga un-authorized person outside of residence (UPOR) upang
maiwasan ang pagkalat ng Delta Variant.

“The implementation of strict border controls in the NCR+ areas is critical to stopping the spread of the Delta variant,” ani DILG Secretary Secretary Eduardo M. Año

Samantala,mananatiling free movement ang lahat ng cargo at delivery vehicles.

“We have instructed all QCPs to allow the unimpeded movement of cargo trucks and delivery vehicles across all our checkpoints,” ani DILG Secretary Año

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: , ,