Pagpapatupad ng Australian-style point based immigration system, ipinanukala ng kampong pabor sa paghiwalay ng United Kingdom sa European Union

by Radyo La Verdad | June 2, 2016 (Thursday) | 2478

EU
Ipinanukala ng kampo ng mga Briton na pabor sa brexit o sa paghiwalay ng United Kingdom sa European Union o EU ang papapatupad ng Australian-style point based immigration system sa mga European union citizens.

Ito ay kung matutuloy ang paghiwalay ng United Kingdom sa European Union.

Ibig sabihin, job at language skills ang magiging basehan upang makapag-migrate ang isang European Union citizen sa United Kingdom.

Layon ng brexit camp na makontrol ang unlimited migration problem sa United Kingdom sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Australian-style point based immigration system.

(UNTV RADIO)

Tags: ,