Pagpapatupad ng Alunan doctrine, nais ibalik ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | December 13, 2016 (Tuesday) | 1116

pres-duterte
Muling ipatutupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Alunan doctrine sa bansa.

Ang alunan doctrine ay ipinakilala ni dating Interior and Local Government Secretary Rafael Alunan The Third na nanungkulan sa panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Layon nitong limitahan lamang sa dalawa ang bodyguard ng mga pulitiko upang maiwasan ang pagtatatag ng private army at paglaganap ng loose firearms.

Nanindigan ang pangulo sapat na ang dalawang security aide upang magtanggol sa bawat pulitiko.

Tags: ,