Pagpapatupad fare hike sa jeep at bus, may posibilidad na maantala- LTFRB Chair Delgra

by Radyo La Verdad | October 24, 2018 (Wednesday) | 1646

May posibilidad na maantala ang pagpapatupad ng fare hike sa jeep at bus ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Martin Delgra.

Ito ay dahil kinakailangan munang resolbahin ng LTFRB ang petisyong inihain ng isang commuters’ group laban sa nakatakdang dagdag pasahe sa jeepney at bus.

Noong nakalipas na linggo inaprubahan na ng LTFRB ang minimum fare na 10 piso sa jeep sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon.

Samantalang 11 piso naman ang minimum na pamasahe sa city buses simula sa ika-3 ng Nobyembre 2018.

Ayon kay Delgra, sisikapin ng board na madesisyunan ang petition sa lalong madaling panahon.

Samantala, ayon sa Department of Finance (DOF), kung matutuloy ang suspensyon sa nakatakdang fuel excise tax para sa 2019, magiging sampung libong pisong halaga ng Pantawid Pasada ang maibibigay para sa mga jeepney franchise holder.

May nakatakda sanang 20,000 piso na cash assistance sa 2019 para sa mga maapektuhang driver at operator dahil sa fuel excise tax.

Ngayong 2018, sa mahigit 179 libo na jeepney franchise holders, nasa mahigit  57 libo na ang nakatanggap ng kanilang fuel vouchers.

 

 

Tags: , ,