Ginawaran si Pangulong Benigno Aquino the third ng honorary degree sa public administration ng Manuel L. Quezon University kasabay ng graduation rites kahapon sa Pasay City.
Si Pangulong Aquino ay kinilala ng unibersidad dahil sa naging malaking kontribusyon nito sa sektor ng edukasyon.
Ibinida naman ng Pangulo ang mga nagawa ng kaniyang administrasyon.
Kabilang rin sa mga iniulat ng Pangulo ang ginawang pagtugon ng kaniyang administrasyon sa edukasyon partikular na ang mga kakulangan ng mga silid aralan, textbook at mga silya.
Sinamantala naman ng Pangulo ang pagkakataon upang suyuin ang mga estudyante kaugnay ng paparating na eleksyon.
Dito niya inendorso sina Mar Roxas At Leni Robredo tandem na pinaniniwalaan niyang makapagpapatuloy ng kaniyang mga nasimulang reporma.
(Nel Maribojoc/UNTV NEWS)
Tags: honorary degree, Pangulong Benigno Aquino the Third, reporma
Kulang dalawang linggo na lang ang nalalabi bago tuluyang bumaba sa pwesto si Pangulong Benigno Aquino the third.
Sa isang telephone conversation, binati nito si incoming President Rodrigo Duterte at nag-alok din ng tulong.
Ayon kay Pangulong Aquino, ikinatuwa naman ni incoming President Duterte ang alok nito at nagpasalamat din sa kaniya.
Samantala, bago ang panunumpa ni President-Elect Duterte sa ika-30 ng Hunyo, muling mag-uusap ang dalawang pangulo.
Umaasa si outgoing President Aquino the third na magtutuloy-tuloy pa ang pagbuti ng kalagayan ng Pilipinas sa pagpapalit ng administrasyon.
At magagawa ito sa pamamagitan ng pagsuporta ng mga pilipino kay incoming President-Elect Duterte.
(Rosalie Coz/UNTV Radio)
Tags: incoming President Rodrigo Duterte, Pangulong Benigno Aquino the Third
Ipinahayag ni Pangulong Benigno Aquino the third ang patuloy na pagtugis sa mga bandidong Abu Sayaff kahit pa pinalaya ng mga ito ang kinidnap noong Marso na sampung Indonesian nationals.
Ayon kay Pangulong Aquino, mahabang panahong na ring naghahasik ng kaguluhan ang Abu Sayaff sa bansa kaya kailangan na silang supilin.
Sa ngayon tiwala ang pangulo sa ginagawang hakbang ng AFP at PNP upang matigil na ang paghahasik ng gulo ng Abu Sayaff.
Samantala, matapos sumailalim sa debriefing at medical check up ay nakauwi na sa kanilang bansa ang mga pinalayang bihag.
Itinanggi naman ng tagapagsalita ng PNP na nagbayad nang ransom ang mga biktima kaya sila pinalaya.
Nagpasalamat naman si Indonesian President Joko Widodo sa Pilipinas dahil sa naitulong sa pagpapalaya ng sampung Indonesian nationals.
Sinabi naman ng Department of Foreign Affairs na patuloy itong nakikipagugnayan sa pamahalaan ng iba pang bansa para sa ligtas na pag-rescue sa iba pang hostage.
(UNTV RADIO)
Humarap si Pangulong Benigno Aquino the third kahapon sa ilang mamamahayag mula sa ibang bansa sa Asya sa Publish Asia 2016 na isinagawa sa Maynila.
Natuon ang mga tanong sa isyu sa West Philippine Sea.
Ayon kay Pangulong Aquino, sa nakaraang mga taon ng kaniyang panunungkulan ay sinamantala niya ang mga pagkakataon sa mga ginanap na Association of Southeast Asian Nations Summit upang isulong ang mapayapang resolusyon sa usapin ng West Philippine Sea.
Nilinaw ng Pangulo na walang plano ang pilipinas na tapatan ang lakas ng China pagdating sa mga kagamitang pandigma.
Sa kabila nito, naniniwala ang Pangulo na kailangan na palakasin ang kakayahang pangdepensa ng Pilipinas.
Sinabi rin ng Pangulo na ang isyu sa West Philippine ang isa sa mga prayoridad niya na malutas dahil sa epekto nito sa kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino.
(Nel Maribojoc/UNTV NEWS)