Pagpapatuloy ng peace talks sa pagitan ng pamahalaan at NDFP-CPP-NPA, hiniling ng isang peace advocacy group

by Radyo La Verdad | May 3, 2016 (Tuesday) | 1717

JANICE_PEACE-TALKS
Nanawagan ang advocacy group na Exodus for Justice and Peace sa susunod na pangulo ng bansa na muling buhayin ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at komunistang National Democratic Front of the Philippines.

Ang NDFP ay ang organisasyon na may hawak sa Communist Party of the Philippines at armed wing nito na New People’s Army.

Naniniwala ang grupo na hindi sensiro ang kasalukuyang administrasyon sa pagpapatuloy ng peace talks sa NDFP-CPP-NPA.

Magugunitang naantala ang proseso noong 2011 dahil sa ilang hindi napagkakasunduang bagay gaya ng hiling ng NDFP na palayain ang naarestong mga lider CPP at NPA na ayaw pagbigyan ng pamahalaan.

Ayon sa grupo, dapat piliin ng taumbayan ang kandidato sa pagka-pangulo na may political will, kayang pag-isahin ang mga nagkakagulong grupo at magpapatuloy sa peace process sa mga rebelde.

(Janice Ingente / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,