Pagpapatigil ni Pang. Aquino sa bagong regulasyon ng Bureau of Customs sa balikbayan boxes, walang kinalaman sa pulitika sa 2016 –Malacanang

by Radyo La Verdad | August 25, 2015 (Tuesday) | 2342

COLOMA
Isina-alang-alang ni Pangulong Benigno Aquino the third ang mga reklamo ng mga Overseas Filipino Workers kaya pinatigil na nito ang Bureau of Customs sa random inspection sa mga balikbayan box.

Ayon kay Presidential Communication Operations Office Secretary Herminio Coloma Junior, nauunawaan ng Malakanyang ang polisiya na ito ng BOC ngunit kailangan rin na isaalang-alang ang karapatan ng mamamayang Pilipino.

Ginawa ng Pangulo ang pagpapatigil hindi dahil sa 2016 elections.

Pinabulaanan rin ng Malakanyang ang alegasyon ng ilang kritiko na sa Malakanyang nanggaling ang polisiya na mandatory physical inspection ng mga balikbayan box na sinunod lamang ng BOC.

Sa kabila nito, ayon naman kay Bayan Muna Representative Neri Colmenares, isusulong pa rin nila na maimbestigahan ng kamara ang ilang isyu sa customs.

Isa na rito ang estado ng daang milyong pisong alokasyon sa BOC para pambili ng mga x-ray machines, K9 units at iba pang anti-smuggling equipment.(Nel Maribojoc / UNTV News)

Tags: , ,