Iginigiit ng Makabayan bloc na hindi nasunod ang tamang proseso sa pagpapasa ng Tax Reform on Acceleration and Inclusion o TRAIN Law. Kaya naman nakatakdang kuwestiyunin ng grupo sa Korte Suprema ang legalidad ng naturang batas at hihilingin na ipatigil ang implementasyon nito.
Ayon kay Bayan Muna Partylist Representative Carlos Zarate, inihahanda na nila ang petisyong isusumite sa kataas-taasang hukuman. Minadali umano ang pagsasabatas nito at kahit na walang quorum at wala man lamang ipinamahaging kopya sa mga miyembro ng Kamara ay sinamantala ang pag-apruba rito.
Iginiit rin ng grupo na hindi kailangan ang bagong batas sa pagbubuwis. Marami rin umanong mga mahihirap na pamilya ang maapektuhan ng TRAIN Law dahil sa pagtaas ng presyo ng ilang pangunahing bilihin at serbisyo dahil sa dagdag-buwis.
Ayon sa grupo, tinatayang nasa mahigit labinlimang bilyong mga mahihirap na Pilipino ang maapektuhan ng tax reform law.
( Macky Libradilla / UNTV Correspondent )
Tags: Korte Suprema, Makabayan bloc, TRAIN Law