Pagpapataw ng multa sa mga motoristang lumabag sa light truck ban, sinimulan na ng MMDA

by Radyo La Verdad | March 20, 2017 (Monday) | 3465


Sinimulan nang ipatupad ngayong araw ng Metropolitan Manila Development Authority ang paniningil ng dalawang libong pisong multa para sa lahat ng lumalabag sa light truck ban.

Maagang pumuwesto ngayong umaga ang mga tauhan ng MMDA sa ilang bahagi ng EDSA, upang isyuhan ng violation tiket ang lahat ng mga nahuling lumabagsa bagong traffic scheme sa EDSA.

As of 10am, umabot na sa isangdaan at labingwalong light trucks ang nahuli ng mmda sa bahagi pa lamang ng north bound lane sa ng EDSA North Avenue.

Umiiral ang light truck ban, simula Lunes hanggang Sabado, tuwing alas sais ng umaga hanggang alas dyes ng umaga, at magre-resume ng alas singko ng hapon hanggang alas diyes ng gabi, simula sa may bahagi ng Magallanes hanggang EDSA North Avenue.

Tags: , , ,