Pagpapataw ng community service sa halip na pagkakakulong bilang parusa sa minor crimes, isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso

by Radyo La Verdad | April 25, 2016 (Monday) | 2329

CONGRESS

Isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpapataw ng community service sa halip na pagkakakulong bilang parusa sa mga makagagawa ng minor crimes.

Layunin nitong mabawasan ang nararanasang congestion sa mga kulungan sa bansa at matipid ang resources ng bansa.

Sa ilalim ng revised penal code, kabilang sa mga itinuturing na lesser crimes ang alarm and scandal, slight physical injuries, malicious mischief, imprudence and negligence constituting light felony, pagnanakaw ng mas mababa pa sa limang piso at iba pa.

Isa hanggang tatlumpung araw na pagkakakulong ang parusa sa mga minor crime.

(UNTV RADIO)

Tags: ,