Pagpaparehistro sa mga batang Pilipino para sa COVID-19 vaccination, maaari namang simulan na – FDA

by Erika Endraca | September 10, 2021 (Friday) | 9167

METRO MANILA – Sinimulan na ng Pateros Local Government ang pagre- rehistro sa mga nasa 12- 17 taong gulang na magpapabakuna kontra COVID-19.

Ayon kay FDA Dir General Eric Domingo, isa itong magandang hakbang sa mga naghihintay ng vaccine rollout para sa mga Pilipinong menor de edad.

“It’s a great initiative on the part of the LGU na ngayon pa lang mag-umpisa na silang magregister ng mga adolescents, kasi darating naman talaga tayo doon. Darating din naman yung panahon na magbabakuna ng mga bata, it would be good I think for LGUs to prepare para kapag sinabi ng DOH na ok we have enough pwde na tayong mag- vaccinate ng adolescents, pwede na agad islang makapag- roll out” ani FDA Director General, Usec. Eric Domingo.

Ayon pa sa fda, kailangan lang talagang hintayin ang go signal ng pamahalaan bago masimulan ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga kabataan.

Prayoridad pa lang ngayon ng pamahalaan na makakumpleto ng kanilang COVID-19 shots ang nasa A1 hanggang A5 sector.

“Low risk pa rin ang mga bata bagama’t nagkakaroon ng marming cases across all ages pati sa mga bata, sila pa rin ang lowest risk of getting COVID and lowest risk of getting severe COVID” ani FDA Director General, Usec. Eric Domingo.

Sa ngayong ang Pfizer at Moderna pa lang ang may amended Emergency Use Authorization sa bansa na maaaring gamiting bakuna para sa mga 12 taong gulang pataas.

Samantala ayon sa FDA, hindi pa nagsusumite ang Pfizer ng kanilang certificate of product registration sa Pilipinas para maibenta ito sa merkado at mabili ng mga pribadong sektor at sinomang indibidwal.

Wala ring bagong vaccine manufacturer na nagsumite ng Emergency Use Authorization (EUA) application sa Pilipinas ayon sa FDA.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , ,