Pagpaparehistro ng mga botante para sa May 2020 Brgy at SK Elections, matatapos na Ngayong Sept.30

by Erika Endraca | September 30, 2019 (Monday) | 50407

MANILA, Philippines – Pormal na magsasara mamayang Alas-5 ng Hapon ang mga office of the Election Officer ng Comelec para sa pagtanggap ng mga botanteng magpaparehistro.

Inaasahan ng COMELEC na dadagsa ngayong araw (September 30) ang “last minute” registrants. Ayon pa kay COMELEC Spokesperson Director James Jimenez napaghandaan naman ng kanilang mga empleyado ang huling araw na scenario ng pagpaparehistro ng mga botante para sa may 2020 Barangay at SK Elections

Alinsunod sa COMELEC Re. No.10549, ipatutupad ng COMELEC ang mga sumusunod na proseso sa huling araw ng voter registration: Ililista pa aniya ng COMELEC upang irehistro ang mga botanteng nakapila basta’t sakop sila sa 30 meter radius mula sa office of the election officer ng Alas-3 Hapon

3-beses tatawagin ang mga pangalan ng mga botanteng nasa listahan ng COMELEC upang mairehistro. Kapag natawag ang isang botante ang nakapila pa rin ito, kaagad nang kukunin ang kaniyang Biometrics.

Tatapusin ng COMELEC ang registration ng mga ito hangga’t natawag ang lahat ng mga nasa listahan. Samantala, may express lane na itatalaga para sa mga PWD, Senior Citizens at mga buntis.

Batay sa tala ng COMELEC, umabot na sa 2.6 Milion ang mga botante sa buong bansa ang nakapagparehistro simula noong August 1 ngayong taon.

Samantala, pinapayuhan ng COMELEC ang lahat ng mga botante na humabol at magtungo sa kani-kaniyang opisina ng COMELEC sa kinabibilangang lungsod o munisipalidad o sa kahit anong satelite registation center kung saan nais bumoto sa halalan. Magdala lamang ng isang valid ID upang ma-proseso ang voter registration.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,