Pagpapapirma ng waiver sa mga hindi tatalima sa pagpapalikas tuwing may kalamidad, ipatutupad sa CALABARZON

by Radyo La Verdad | June 10, 2016 (Friday) | 2102

SHERWIN_NDRRMC
Karaniwan nang isinasagawa ng Office of the Civil Defense ang pagpapalikas sa mga residente kapag nahaharap sila sa banta ng kalamidad gaya ng bagyo, baha at landslide.

Ngunit maraming residente ang nagmamatigas at ayaw lumikas sa kabila ng panganib dahil sa takot na mawalan ng mga gamit sa bahay.

Bunsod nito, plano ng Office of the Civil Defense at Regional Disaster Risk Reduction and Management Office ng CALABARZON na magpapirma ng waiver sa mga ayaw sumunod sa evacuation advisory.

Ayon kay Director Tomazar, layunin ng waiver na maiwasan ang sisihan lalo’t nakataya rin ang buhay ng mga rescuer sa tuwing nagpapatupad ng evacuation sa calamity-prone areas.

Nanawagan rin sila sa ating mga kababayan na maging handa at gawing leksyon ang mga nagdaang kalamidad;

Maging alerto at ugaliing makinig ng mga balita sa telebisyon at radyo ukol sa lagay ng panahon.

Hinikayat rin ng Office of Civil Defense ang publiko na lumahok sa isasagawang simultaneous Earthquake drill sa June 22 sa ibat ibang panig ng bansa.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: , ,